Sa halagang 125 nakarating ako sa Maynila upang pumasyal.
Napaka ganda nga naman ng maynila. Pagkababa ko sa Buendia terminal, maraming
tao. Kaya naisipan ko munang kumain noon
Ito nga pala ang lechong baboy, ito ang una kong naging kain
dito sa Manila, Sobrang sarap pala nga ng pagkain dito, Iba ang lebel ng luto
ng mga kusinero dito. Sabay kain ng turon na pang himagas
Upang masimulan ang aking tour sa manila, una kong dinalaw
ang manila ocean park, Dito ko nasilayan ang iba’t ibang klase ng yamang dagat.
Napaka ganda nga pala nga dito. Nakakita ako ng mga sea turtles, mga isda at
tsaka ng mga pating
Pangalawa kong dinalaw ang Rizal Shrine, Ito ay isang
monument na nagsisilbing respeto tungo kay
Dr. Jose Rizal, dito nangyari ang kanyang pagkaka bitay
Medyo hapon na kaya magmamarienda na muna ako, napakasarap
ng nabili ko. Ito ay buko pie. Ramdam na ramdam mo ang kanyang linamnam sa
malamig nitong loob, Mukhang mauubos ko ata ang isang kahon! Kain na po kayo!
Matapos kong magmarienda akin naming pinuntahan ang Manila
Zoo, May tigre may liyon may mga ahas pa na malalaki. Kaya aking nagustuhan ang
pagdalaw dito
Nag gagabi na kaya naman ako’y nag hapunan na, Ang aking
kinain ngayong hapunan ay bulalo. Malamig kasi dito ngayon kaya magpapainit na
muna ako
At ayon naging sobrang saya ang aking day tour sa Maynila
ang capital ng bansa nating pilipinas, Hindi lang yon ang makikita mo sa
Maynila kaya ano pang hinihintay, Dalaw na sa Maynila